Monday, October 22, 2007

yaman ang mahal.

mayaman ka naman,
ang yaman sa sarap
kasi nandito lahat..

konti lang nabubulok
masarap
basta't hindi
karanasang mataehan

hindi alikabok
at lahat malayo
sa iyong tulugan
apakan ang ipis
kahit walang tsinelas
basta't lahat
malayo

mayaman ka naman
na hindi nabubulag
mapagkamalan
puting echas ng butiki
ay butil ng kanin

magsama,
magsawa,
wala akong ayaw
pero ayoko ng wala

yaman ang mahal
mukha naman
may kakayanan,
basta't lahat
malayo
may bubong
at nandito lahat..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home